Panata sa Pagkakapantay-Pantay: The POC Oath to Gender Equality and Inclusivity in the Workplace
- STRIDE OPC
- Feb 27, 2023
- 2 min read

The Philippine Orthopedic Center concluded their 2023 GAD Planning and Budgeting last February 21-22, 2023 in Baguio City.
One of the highlights of the last day of the workshop is the oath-taking ceremony of all participants to ensuring an equal, equitable, and inclusive workplace and for the betterment of their services and the lives of their beneficiaries. The oath-taking was led by GAD Focal Point System Chairperson Evelyn Muniz. The oath was composed by Sean Herbert Velchez.

The full oath can be read as:
PANATA NG PAGKAKAPANTAY-PANTAY
Mga Kampeon ng POC-Gender and Development
Kami ay mga kababaihan at kalalakihan na kabahagi ng Gender and Development Program ng Philippine Orthopedic Center, ang aming sintang pagamutan.
MULAT KAMI sa realidad ng laganap na di pagkapantay-pantay ng kasarian, diskriminasyon, gender-based violence, stereotyping, prejudice, biases, at kawalang katarungan sa mga sektor ng ating bansa;
MAGSISIKAP KAMI na pag-aralan ang ugat ng mga nabanggit na mga pagsubok at matututo kami mula sa mga karanasan at kasaysayan ng mga tao at lipunan;
MAGTATAGUYOD KAMI ng mga polisiya at programang nakapaloob sa Gender and Development. Gagawin naming ligtas ang aming mga opisina, units, at wards sa anumang sekswal na pang-aabuso, kabastusan, pandarahas, machismo, [at] diskriminasyon. Itataas at pahahalagahan namin ang dignidad ng mga kababaihan, kalalakihan, LGBTQ, nakakatanda, [at mga] pambansang minorya, may kapansanan, anuman ang kanilang kasarian, paniniwala, o katayuan sa buhay;
ISUSULONG NAMIN ang mga prinsipyo ng Gender and Development sa lahat ng aspeto ng Health Governance. Mula sa pagbabadyet, pagtatayo ng mga gusali, paglalatag ng mga polisiya, pagtatalaga ng mga gamot, health human resources, at serbisyo sa mga pasyente at kanilang mga mahal sa buhay;
MAGSISILBI KAMI na maging mabuting halimbawa sa aming kapwa manggagawang pangkalusugan bilang mga tagapag-taguyod ng Gender and Development. Kikibo kami at hindi tatalikod sa mga nakikita naming di pantay na pagturing at pang-aabuso. Aktibo naming gagampanan ang aming tungkulin sa GAD mula sa pagdalo sa mga pag-aaral, pagpupulong at pagtitipon, pagsasagawa ng mga programa, hanggang sa pangangalap ng mga datos sa ikatatagumpay ng aming mga programa.
Sa tulong at awa ng Maykapal, ito ang aming panatang sinumpaan.
Comments